DepEd Balanga City

ANG PAG-ASA SA KABILA NG PANDEMYA

Nagsimula na ang Klase, marami ang hindi na mapakali at marami rin ang nababahala.Dulot ng pandemya ang lahat ay nag-aalala kung sila ba ay makapag-aaral pa ba o titigil na lamang sa kanilang pangarap.Iyan ang laging laman ng isipan ng mga mag-aaral na hikahos sa buhay.Paano ang kanilang pag-aaral kung ang pinahirap na buhay ay mas humirap pa dulot ng pandemya.Matutupad pa kaya ang kanilang pangarap at mabago pa kaya ang kanilang kinabukasan?

Ang Department of Education ay gumawa ng mga  paraan upang matugunan ang mga hinanaing na ito ng mga mag-aaral.Mula sa pag-aaral gamit ang radyo, telebisyon o maging online ay isa ang pagbibigay ng module sa mga mag-aaral upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng krisis na ito.Hindi ito katulad sa nakasanayan na normal na pag-aaral, ngunit isa ito sa hakbang upang magkaroon ng pag-asa ang isang mag-aaral na tila nawawalan na ng pag-asa sa kabila ng pandemya.

Sinulat ni:

<strong>JENILLA MAE O. RODRIDO</strong>
JENILLA MAE O. RODRIDO

TEACHER II
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *