DepEd Balanga City

Bagong Guro sa “New Normal”

Ano ng ang pagkakaiba ng guro noon di pa dumarating ang Pandemic ?At sa mga guro sa panahon ngayon na tinatawag natin “New Normal”?

Katulad nang wala pang Pandemic masaya ang kalagayan ng guro ,kahit ang mga mag-aaral.Nararamdaman ng guro sa bawat mag-aaral ang biruan ,tawanan kapag recitation, sa mga test na binibigay ng guro. Ika nga ,matuwa magalit ka sa mga bata.Ngunit sa kabila nito mahal ng guro ang mga mag-aaral nila .Sila ang inspirasyon  upang lalo pang mapagbuti ang pagtuturo.Kapag nagtagumpay ang bata masaya ang guro,dahil may bata kang naisalba upang maging mahusay na mamamayan.

Sa ngayon sa “New Normal” na pagtuturo sa boses mo  lang sila nakakadaupang palad at sa video call dahil sa on line class.Sa isang banda napakahirap ng kalagayan ng guro.Gustong -gusto nang magturo ng “face to face”,lalo na  pag sinabi ng bata na “Mam gusto na po naming kayong makita ng personal”Ang husay po ninyong magturo!Nakakataba ng puso pag ganito ang tinuran ng mga batang tinuturuan mo.

Sa ibang banda nakakadurog ng puso tuwing magtuturo ka limitado lang ang dapat na maibigay mong karunungan sa mga bata.Sana nga maging normal na upang maibigay nang todong -todo ang karunungan at  kakayahan ng guro para sa batang kailangang pandayan ng talino at kakayanan.

Guro ,sa “new normal”kayang gawin ang lahat mapabuti lang ang mga bata.Maparamdam ang pagiging pangalawang ina sa kanila.May pandemic man o wala para sa mga bata handang  isakripisyo  ang sarili mapaayos lang ang kalagayan ng mag-aaral.

Sinulat ni:

<strong>SANDEE C. OLUBIA</strong>
SANDEE C. OLUBIA

Teacher III
Bataan National High School – Junior High School

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *