DepEd Balanga City

BAGONG PAG-ASA, MATATANAW NA

Isinulat ni: Melania Joy J. Zarraga, Teacher I – Tanato Elementary School

Isang pandemiya, ang sumalakay sa ating bansa na hanggang ngayon ay ating kinakaharap. Nasaan na ang uusbong na pag-asa? Kailan ito muling makikita?

            Sa likod ng isang maamong mukha, malumanay na boses at nagniningning na mga mata ang mababanaag sa isang guro. Ito ang naging sandata ng guro sa pakikibaka sa kanyang pagtuturo sa panahon ng Pandemic na nararanasan ng magulang at higit ang mga mag-aaral.

Bawat letra ay itinuturo, pagbibilang at pagbabasa upang mahubog ang bawat musmos na kaisipan. Isama pa ang makabagong teknolohiya na kaagapay at nagiging instrument sa pagkatuto at paglinang ng bawat ituturo sa iba’t ibang aralin sa bawat asignatura

            Hindi man ganoon kadali ang hamon sa atin nitong pandemiya, hindi nito mahahadlangan ang pagsulong ng edukasyon. Tulong-tulong at sama-samang isusulong ang edukasyon  para sa bawat kabataan upang ito’y maging susi sa pag-abot ng kanilang pangarap. Hindi pa natatapos ang laban muli nating masisilayan at matatanaw ang pag-asa, bubuuin ito kaagapay ang mga guro na hindi mapapagod para maabot ang bawat inaasam na tagumpay sa mga mag-aaral sa New Normal na edukasyon.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *