DepEd Balanga City

“Bente- Bente”

Ni: Gng. Maria Rajima D.C. Custodio- Teacher II

City of Balanga National High School – Junior High School

Bente-bente…ang patapos na taon kung saan doble ang numero. Ano ba ang meron sa taon na ito at ganoon na lamang ang dobleng dagok na idinulot nito sa atin? Naging napaka-lupit ng taon na ito sa bawat nilalang dito sa mundo. Ang taon ng “Daga” na sinabing swerte ay mala-bangungot na trahedya sa buhay ng bawat taong nabubuhay sa mundo.

           Kamatayan… Yan ay isa lamang sa naging pangunahing suliranin ng buong mundo. Mahirap o mayamang bansa man ay hindi pinalagpas nito. Sa isang iglap, ang dating maingay na paligid ay napalibutan ng malungkot na komunidad, tahimik na kalsada at nakakapanibagong paraan ng pamumuhay.

           Sa pagpasok pa lamang ng taon na ito iba’tibang klaseng kamatayan na ang lumabas sa mga balita. Walang araw ang buong taon na ito na hindi delikado. Araw-araw ay may naka-ambang panganib. Nariyan ang kaliwa’t kanang aksidente na nangyayari sa mga kalsada gayundin sa himpapawid. Marami ding delubyo katulad ng bagyo o kalamidad ang kumitil sa maraming buhay. Lalo’t higit ang hindi natin inaasahang pagdating ng pandemyang Covid-19, kung saan ang buong mundo ay natigatig!

           Sinong mag-aakala na magkakaganito tayo ngayon? Ang nakasanayan nating buhay noon ay bigla na lamang naglaho. Ibang-iba sa ating “new normal” sa kasalukuyang panahon. Kakaibang pagbabago na idinulot ng taong “bente-bente”. Ang mga bagay na ating nakasanayan noon ay hindi na pwede ngayon. Limitado ang bawat galaw, limitado ang bawat plano. Kakaibang pagbabago na talaga namang nakaka-lungkot.

Ngunit walang permanente sa mundong ito. Isipin na lamang natin na matatapos din ang lahat ng ito. At maging mas matatag upang malagpasan ito. May mga pangyayaring hindi kayang maipaliwanag, hindi natin matakasan at sadyang nagaganap. Kung kaya’t wala tayong magagawa kundi ang tanggapin at harapin ang mga ito nang buo ang loob kahit gaano pa ito kahirap.

Doble-doble man ang mga naging problemang ibinigay sa atin ang taong 

ito, ang importante ay patuloy tayong nabubuhay. Sapagkat patuloy tayong kumakapit sa sandatang ating ginagamit upang patuloy na magkaroon ng pag-asa sa buhay… ang sandatang ito ay ang tinatawag nating “pananampalataya sa Panginoon”. Dahil walang mas hihigit pa sa kapangyarihan ng Panginoong Lumikha. At hindi natutulog ang Poong Maykapal. Ang kailangan lang ay mag-ingat at patuloy na manalangin para sa proteksyon ng bawat isa. 

Bente-bente…mabilog ang dulo. At sa pagpapalit ng taon, gamitin din nating simbolo ang bilog na ito upang maging pag-asa gaya ng paniniwala nating ang bilog na prutas ay nagdadala ng suwerte. Bente-bente…bilog ang dulo. Bilog na simbolo ng pera, pag-asa at suwerte.

7 thoughts on ““Bente- Bente””

  1. Thank you so much for this brilliant web page;this is the kind of thing that keeps me awake through the day. I have been looking around for this page after I heard about them from a buddy and was thrilled when I found it after searching for awhile. Being a avid blogger, I’m dazzled to see others taking initivative and contributing to the community. Just wanted to comment to show my appreciation for your web site as it is very exciting, and many bloggers do not get credit they deserve. I am sure I’ll drop by again and will send some of my friends.

  2. I’m nonetheless learning from you, as I’m trying to obtain my goals. I definitely liked reading everything which is written on your website.Keep the stories coming. I enjoyed it!

  3. Hey! This is my 1st comment here so I just wanted to give a quick shout out and tell you I really enjoy reading your articles. Can you suggest any other blogs/websites/forums that go over the same subjects? Thanks!

  4. I am impressed, I have to say. Really rarely do I discovered a blog that is both educative and entertaining, and let me tell you, youve hit the nail on the head. Your article is outstanding; the issue is something that not many people are speaking intelligently about. Im very happy that I stumbled across this in my search for something relating to this.

  5. Fantastic job here. I definitely enjoyed what you had to say. Keep going because you absolutely bring a new voice to this subject. Not many people would say what youve said and still make it interesting. Well, at least Im interested. Cant wait to see more of this from you.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *