DepEd Balanga City

Edukasyon para sa Lahat

Isinulat ni: Princess Dianne G. Supan, PDO – BNHS/COBNHS

Nakakalungkot man isipin na ang buong mundo ngayon ay nahaharap sa problemang hindi madaling hanapan ng solusyon. Bawat bansa ay nakikipaglaban sa Corona Virus, isang sakit na madaling makahawa sa mga taong may karamdaman at isang sakit na walang sintomas sa mga taong malakas ang resistensya.  Sa laban na ito ng ating mundo laban sa CoronaVirus Disease 2019 (CoVid-19), maging ang Edukasyon para sa mamamayang Pilipino ay apektado ng pandemyang ito. Ang biglaang pagdami ng nagkakaroon  ng COVID – 19 ay lubos na naapektuhan ang mga pamamaraan  at sistemang  pang-edukasyon. Ito ay naging pangunahing pagsasaalang-alang sa mga desisyon ng ating pamahalaan tungo sa kaligtasan at pangangailangan ng ating bansa. Sa kabila nito, ang mga hamon tungo sa edukasyon  ay isa pang isyu na  dapat tatalakayin.

Ang pinaghalong iskema sa pag-aaral ay ang nakitang solusyon sa ganitong uri ng sitwasyon, bilang pagsasaalang-alang sa kinakailangang proteksyon sa kalusugan at kaligtasan na ipinapatupad ng Pamahalaan ngunit hindi katulad ng isang tradisyonal na pag-setup sa silid-aralan, ito ay iba sa ating nakagawian noon na upang makapag-aral ang bawat mag-aaral ay dapat pumasok sa eskwelahan . Sa kasalukuyan mayroon tayong Modular Class na kung saan ang mag-aaral ay bibigyan ng nakalimbag na materyales katumbas ng isang aralin bawat asignatura. Bawat modyul ay kumpleto sa detalye tungkol sa isang asignatura, maari siyang matuto gamit lamang ang modyul kahit hindi niya kaharap ang kanyang guro sa paaralan. Mayroon din tayong tinatawag na online class na kung saan ang bawat aralin ay ginagamitan ng internet upang maituro ng guro ang asignatura.

Isang estudyante ang minsang lumapit sa kanyang guro patungkol sa kanyang sitwasyon sa bagong normal na uri ng edukasyon. Bilang kilala ko ng personal ang mag-aaral, ang kanyang mga magulang ay mangingisda at sila ay bahagi ng pinakamahirap na pamilya sa kanilang pamayanan. Dahil sa kanyang dedikasyon at determinasyon na ipagpatuloy ang pag-aaral at maabot ang kanyang pangarap, nag-aplay siya bilang isang tindero sa wet market na malapit sa kanilang tahanan upang kumita ng pera upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral dahil hindi na rin kakayanin ng kanyang magulang ang  magtrabaho para sa kanilang pamilya dahil sila ay senior citizen na. Sa parehong paraan, ang ilang mga guro ay nakakaranas din ng mga paghihirap sa kung paano harapin ang sitwasyon dahil malayo ito sa aktwal na proseso ng pagtuturo sa paaralan. Sa tulong ng kagawaran, tinutulungan nila ang mga guro upang kayanin ang pagsubok sa larangan ng pagtuturo.

Pinaghalo ang stratehiya sa pag-aaral na tila isang pagsubok sa pagmamaneho ng isang sasakyan  na nangangailangan pa rin ng  maayos na pagpapatakbo at pagkontrol upang gumana ng tuwid at makarating ng ligtas sa pupuntahan.  Sa huli, ang lahat ay magbabago sa mundo kasama ang reporma sa edukasyon, ang ebolusyon ng edukasyon. Ayon sa Hierarchy of Needs ni Abraham Maslow, kinakailangang maibigay muna ang mga pangunahing pangangailangan bago magpatuloy sa iba. Hindi tayo maaaring sumulong nang wala ang mga pangunahing kaalaman sa kasalukuyang estado ng ating bansa, ito ay isang katotohanan na hindi natin makakamit ang ating mga pangarap at layunin kung nararanasan natin ang gutom at hindi pagkakapantay-pantay.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *