DepEd Balanga City

Gulong ng Buhay

Isinulat ni: Princess Dianne G. Supan, PDO-BNHS/COBNHS

Ang buhay ay maihahalintulad sa isang gulong, minsan nasa ibabaw at minsan nama’y nasa ilalim. May panahong makakaranas ka ng kahirapan at kaginhawaan. Ang kasabihan na ito ay madalas marinig sa mga matatanda. Mahirap siyang unawain ngunit totoong nangyayari sa buhay ng tao.

Maraming sakripisyo ang dinadaanan ng buhay.Tulad na lamang sa isang pamilya na dapat pagkasyahin ang kinikita ng magulang para lamang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak..Kahit anong hirap ng buhay kung pagpupursigihin ang pag-aaral walang masasayang na panahon.

Hindi hadlang ang hirap ng buhay kung ikaw ay may abilidad at may pangarap upang makaahon sa kahirapan ang pamilya.Maraming paraan upang makatapos ng pag-aaral may mga iskolar na binibigay ang pamahalaang lokal sa mga batang nais mag-aral.

Maraming tao na nagsimula sa wala pero ngayon ay matagumpay sila at may mga pangalan at  tinitingala ng lipunan.Sabi nga “If there’s a will there’s a way”.Hindi naman madali ang buhay tulad ng nararanasan natin sa ngayon maraming nawalan ng trabaho,pero hindi ito ang magiging hadlang upang di ipagpatuloy ang buhay at pag-aaral  kahit mahirap kakayanin may mga taong sadyang matulungin sabi nga may mga “pilantropo” pang nabubuhay sa mundo na handang tumulong sa nangangailangan.

Mapagtagumpayan lang ang hirap ng buhay ay magiging masaya na ang tao huwag lamang mamuhay sa karangyaan at huwag maging mapagmalabis o abusado sa kapwa. Kung ano ang ginawa sa kapwa para sa kabutihan ng tao iyon ang dapat na maging ganti o isukli.Kung may tumulong man tanawin sana itong utang na loob. May bukas na matatanaw kung lahat ng ibinigay sa iyo at may katapat na pagtanaw ng utang na loob. Ito ang gusto ng Diyos suklian mo ng kabutihan ang lahat nang nakamit upang magkaroon ng magandang  buhay.

Hindi lahat ng panahon ay nasa ibaba ang tao,kaya nga may kasabihan ang buhay ay parang gulong,.  Kaya hindi dapat mawalan ng pag-asa, lahat ay maaring magbago, ang bawat pagsubok ay maaring malagpasan basta’t maniwala sa sariling kakayahan at makuntento sa mga bagay na mayroon ka at pagyamanin na lang ito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *