DepEd Balanga City

Guro Sa Panahon Ng Pandemya

Isinulat ni: Sheila M. Corpuz, Teacher III – M.DELOS Reyes Memorial Elementary School

Hindi ako perpektong guro, may mga pagkakataon na nagkakamali ako sa aking desisyon o mga hakbangin sa aking propesyon. Sabi nila mahirap maging guro lalo sa baitang isa(Grade1). Oo! tama sila! Dahil ang pagiging guro sa baitang isa ay pinabubuhusan ng dedikasyon at ginagamitan ng ibat-ibang estratehiya. Nasa aming mga kamay ang magiging matibay na pundasyon ng mga bata, upang matuto sa pagbilang, pagsulat at higit sa lahat ng pagbasa.

          Napakalaking hamon para sa amin ang pandemya. Isa itong bakod na naghihiwalay sa aming mga mag-aaral upang maabot ang mga murang isipan nila. Pero sa kagaya kong pursigido, kahit mapanganib susuungin ko alang-alang sa kapakanan ng mga bata.

Hindi ko kayang tiisin ang aking mga kamay at paa, lalo na kung makikita mong ang isang bata hindi kayang bumasa ng simpleng abakada. Mahirap umaksyon sa panahong hindi nakikiayon ang mga sitwasyon. Pero para sa akin, ano ang silbi ng lisensya at pangako kung ito’y mapapako.

Ito ang mga panahon na mas higit na kailangan ang atensyon ng mga bata. Kaya’t pasensya at paumanhin ang lagi kong sambit at aking inuusal na ang tanging pakay lang naman ay sadyain sa tahanan ang mga mahal na mag-aaral.May mga pagkakataong dapat na  hiramin sa oras na di dapat ngunit ang tanging hangarin karunungan ay madagdagan. Ipagpaumanhin din kung madalas ang pag-aabala sa tawag, text at minsan ay online pa. Nais  lamang ng guro sila ay kamustahin at turuan ng iba pang aralin.

Hindi lamang kasi ako guro, nanay rin ako mas nangingibabaw ang puso ko sa mga panahon na gaya nito. Ang tanging aking sandata , maisakatuparan ang aking misyon, gabay at proteksyon ng ating Panginoon. Dahil alam ko para sa Kaniya, ako ang guro sa panahon ng pandemya.!!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *