DepEd Balanga City

Katagumpayan ng Edukasyon Ngayong Pandemya

Isinulat ni: Joyce U. Deticio, Teacher I – Cataning Elementary School

Nasa mga huling kwarter na ng pagtuturo ang panuruan 2020-2021. Sinong mag-aakala na magkakaroon ng katagumpayan ang edukasyon sa panahon ito ng pandemya? Wala di ba?Ngunit wala ni isa sa atin ang nawalan ng determinasyon na maihatid sa mga mag-aaral ang dekalidad ng edukasyon. Iba’t ibang paraan ang isinagawa upang  maturuan nang maayos ang mga bata ma -modular,online kahit sa pamamagitan ng Radio  o Telebisyon. Bawat  opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon ,mga guro,mga magulang at ilang LGU naitaguyod  nang sama-sama ang  pag-aaral ng lahat ng mag-aaral mula elementarya ,sekondarya at ng Senior High school at sa kolehiyo din.

Sa paggamit ng iba’t ibang paraan ng distance learning sa pag-aaral, masasabing naging matagumpay at garantisadong edukasyon ang naibigay sa panahon ng pandemya. Maraming pagsubok ang kinaharap ng bawat isa lalo na sa parte ng magulang walang sumuko maisalba lamang ang pag-aaral ng mga bata. Ang bawat isa ay hindi nawalan ng pag-asang maitawid nang buong husay ang taong ito na nasa pandemic na sitwasyon.Lagi na lamang iisipin “Ang edukasyon ang siyang tunay na magdadala sa pangarap ng bawat isang mamamayang Pilipino.

Ayon din sa Secretary ng Edukasyon na si Leonor M.Briones may hamong dala ang paggamit ng “distance learning” sa pagtuturo sa kabataan. Kung kaya madalas banggitin at inilunsad ang “Handang Isip, Handang Bukas” . “Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang isang malaking tagumpay! Wagi tayo laban sa COVID-19 — na nagwasak sa ating buhay at ekonomiya ng lipunan!” ani Briones sa isang talumpati sa Ingles.

  Ngayon nga sa pagtatapos ng taon panuruan, katagumpayan ng edukasyon ay hindi masusubalian kahit naging mahirap, naririto na sa ating mga kamay ang tunay na tagumpay.

1 thought on “Katagumpayan ng Edukasyon Ngayong Pandemya”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *