DepEd Balanga City

Mabuting Aral Dulot ng Pandemya

Joylen Mendoza

Marami sa atin ang nagulantang at lubos na napinsala ng pandemya o mas kilala sa tawag na COVID-19 di lang sa ating bansa ngunit sa buong mundo. Maraming mga opisina, establisyimento at eskwela ang pansamantalang natigil o nahinto ng operasyon upang makaligtas at makaiwas upang di lumaganap ang sakit sa kapaligiran. Marami rin ang mga taong dumaranas ng hirap, nawalan ng hanap-buhay, nagsakripisyo, at nabawian ng buhay na dulot ng panedemya. Ito na marahil ang isa sa pinakamatinding pagsubok na ating pinagdadaanan maging sa kasalukuyang panahon na ito. Kaya naman ang ating mga pamahalaan at eksperto ay nagtutulong-tulong na sa pagsasaliksik magpahanggang ngayon upang makalikha ng tamang lunas o gamot laban sa corona virus na sakit.

Sa kabilang banda naman ng mga kaganapang ito ay mayroon din naman mabubuting aral tayong natututunan sa panahon ng mga krisis na ating dinaranas. Una, sa ganitong sitwasyon ay lalo nitong pinagtitibay ang pananalig at pananampalataya natin sa ating Panginoon. Isang mabisang paraan ay ang pagdarasal at paghingi ng Kanyang gabay para sa kaligtasan ng lahat. Natututo rin tayo na maging alerto at mas maingat sa mga bagay bagay lalo na sa ating sariling pangangatawan at mapanatiling malusog nang sa ganoon ay hindi tayong madaling kapitan ng anumang nakakahawang sakit. Ang pagkakaroon ng sapat na oras kapiling ang pamilya sa hirap o ginhawa ay isang mahalagang pagkakataon upang mas pagtibayin ang pagsasamahan at pagmamahalan ng bawat isa. Natuto rin tayong sumunod sa mga patakaran ng ating pamahalaan. Ang disiplina ay naging mahalaga sa bawat isa. Natuto rin tayo pahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa buhay natin wala namang pagsubok ang hindi natin malalagpasan at mapagtatagumpayan basta magkaoon tayo ng tiwala at pananalig  sa Panginoon, pagtutulungan at pagkakaisa.  

Ang Pandemyang ito may dulot na aral sa bawat mamamayan upang mabuksan ang ating isipan at puso sa mga bagay na dati hindi natin binibigyan ng pansin.

Sinulat ni:

Joylen DG. Mendoza
Joylen DG. Mendoza

Administrative Aide VI, SDO Balanga City

1 thought on “Mabuting Aral Dulot ng Pandemya”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *