DepEd Balanga City

Maging Matatag

Isinulat ni: Lar R. Baluyot

Napakagandang bansa ng Pilipinas sa kabila nito, ito’y  lantad sa mga natural na kalamidad dahil sa lokasyon . Nakaharap ito sa Dagat Pasipiko at kasama din sa mga bansang nakapaloob sa tinatawag na “Ring of Fire”.

 Maraming fault line at mga aktibong bulkang nakapaligid sa bansa. Kaya kung mapapansin natin palagi tayong tinatamaan ng bagyo na nagdudulot ng malaking pinsala sa ating kabuhayan ,kapaligiran at kung minsan pati  buhay ng mga tao. Sa madaling salita ay tayo isang disaster prone na bansa at ayon sa World Risk Index ay nasa pang-siyam na pwesto ang Pilipinas sa madalas tamaan ng natural na disaster noong taong 2020.

Napakaraming programa ng ating gobyerno ukol sa mga paghahanda at pagresponde sa mga natural na disaster. Nariyan ang mga pagpapagawa ng pangmitigasyong, imprastraktura at pagpapatupad ng mga batas ukol pangangalaga sa ating kalikasan. Pagkakabit ng mga Early Warning Devices sa mga disaster prone areas. Pinapalakas din ang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaukulang impormasyon tungkol sa  iba’t ibang disaster. Nagkakaroon din ng mga pagsasanay (training) ukol sa pagresponde sa iba’t ibang uri ng kalamidad at isa na dito ang pagbibigay ng pangunang lunas. Nagkaroon na din  ng mga bakwit na lugar sa bawat lokal na pamahalaan at katuwang nito ang iba’t ibang ahensya ng pamahaalan sa oras ng pangangailangan.

Sa ngayon  malaki na ang naiunlad natin sa paghahanda at pagresponde sa mga iba’tibang kalamidad.Makikita ang suporta ng mga local na ahensiya sa bawat pamayanan. Kaya dapat sumunod tayo sa mga babala makinig sa mga radio o telebisyon nang sa ganoon maging handa lagi.Maging matatatag sa mga darating na pagsubok.Magkaroon ng pagmamalasakitan sa isa’tisa sa oras na dumating ang mga kalamidad na di -inaasahan.Higit sa lahat tumawag sa Poong Maykapal.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *