DepEd Balanga City

Magpasalamat sa Lahat ng Oras

Isinulat ni: Crizalie N. Perey, Teacher III – Tanato Elementary School

            Mahalaga ang magpasalamat hindi lang para sa magagandang pangyayari kundi ganun din sa mga hindi kagandahang pangyayari sa ating buhay. Sa buhay ko, marami akong hindi magagandang karanasan. Lumaki ako na halos hindi nakakasama ang aking mga magulang dahil ofw sila. Nalipat kami dito sa Bataan dahil sa hindi magandang pangyayari sa Batangas. Nakapag-abroad ako at iniwan pansamantala ang pagtuturo. Namatay ang tatay ko sa ibang bansa na halos lima o anim na taon na hindi ko nakikita, may mga plano kami na hindi natupad dahil kinuha na ang buhay niya sa di inaasahang pangyayari. Pero sabi nga, give thanks, magpasalamat pa rin sa kabila ng lahat dahil ito ay kalooban ng Diyos. Lumaki man kami na halos hindi nkakasama ang mga magulang,natuto kami sa buhay. Nakita ko na kailangan kong magpursige sa pag-aaral upang makabawi sa mga magulang ko na nagpapakahirap sa ibang bansa para sa aming magandang kinabukasan. Nagpapasalamat ako na nalipat kami dito sa Bataan,kase nakapag aral ako ng maayos dito,mababait ang mga tao, maayos ang pamamalakad ng pamahalaan. Nakapag abroad ako,bagamat iniwan pansamantala ang pagtuturo,  mas nagmature ako, nakita ko ang buhay ng isang ofw, at ipinakita sa akin ng Diyos, kung magkakaroon ako ng sariling pamilya, mahalaga na magkakasama.At nangyari naman yun.  Namatay ang tatay ko sa ibang bansa, masakit man pero ipinakita ng Diyos na ito ang makakabuti para sa tatay ko, at para sa aming lahat. Anuman ang ating mga karanasan sa buhay, ito ay dapat nating ipagpasalamat. Hindi man natin nakikita ng malinaw agad,in the end we will realize, this is Gods will for our own good.

Romans 8:28 And we know that God works in all things together, for the good of those who love Him, who are called according to His purpose.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *