DepEd Balanga City

Makabagong Normal Na Pamumuhay

Sadyang totoo ang kasabihan na walang permanente sa mundong ito. Lalo pa itong pinagtibay nang dumating ang matinding pandemya na corona virus na maging sa kasalukuyang panahon na ito ay patuloy pa rin ang pagsaliksik ng mga eksperto sa gamot laban sa  mapaminsalang sakit na ito. Dahil sa pandemya, mabilis na binago nito ang ating pamumuhay sa pang-araw araw katulad na lamang ng social distancing, pagsusuot ng facemask at palagiang paghuhugas ng kamay at paglalagay ng alcohol bilang pangunahing proteksyon ng ating katawan upang tayo ay hindi mahawahan ng sakit. Maging ang pasok sa opisina at eskwela ay nagkaroon din ng makabagong istilo ng operasyon at sa tulong na rin ng ating teknolohiya. Virtual meeting at Work from Home para sa mga empleyado na pumapasok sa opisina at distance learning o online classes naman para sa mga bata sa kanilang pagpasok sa eskwela.

                Ito ay ilan lamang sa mga makabagong normal na pamumuhay na mayroong malaking kaibahan kumpara sa tradisyonal at dati nating nakasanayan at nakaugalian. Marahil ang rason ng mga pangyayaring ito sa atin ay maging alerto at bukas ang ating kaisipan sa mga pagbabago ng mga bagay at kaganapan sa ating kapaligiran. Pagbabago ng ating kilos at gawa para makaangkop sa kung anuman ang kailangan at hinihingi ng pagkakataon lalo na sa makabagong panahon. Pagbabago upang tayo ay hindi mahuli at makasabay sa bilis ng progreso ng ating teknolohiya. Pagbabago upang magkaroon ng dagdag na kaalaman upang lumawak ang ating kaisipan at kamalayan nang sa gayon ay lubos natin maitindihan ang kalagayan o sitwasyon ng pangkasalukuyan. Ang mahalaga ay magpatuloy ang ating pamumuhay nang may buong tapang at matalinong pag-iisip upang hindi tayo mapag iwanan at maging makabuluhan ang ating buhay maging ito man ay sa pagtahak ng landas sa bagong normal na buhay.

Sinulat ni:

ALEXANDER P. DIWA
ALEXANDER P. DIWA

Administrative Aide IV, SDO Balanga City

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *