DepEd Balanga City

PAGTAHAK PATUNGO SA TAGUMPAY

Isinulat ni: Melania Joy J. Zarraga, Teacher I – Tanato Elementary School

Paano nga ba makakamit ang tagumpay?Lalo na sa panahong ito na nasa new
normal tayo.May iba’t ibang kuwento ng buhay at karanasan ang naranasan natin
ngunit di tayo nawalan ng pag-asa.
Hindi lingid sa ating kaalaman na tayo ay kasalukuyan nakikibaka sa gitna ng
kinakaharap nating pandemiya. Sa kabila ng lahat ng ito nariyan at patuloy na nagsisikap,
nagtitiyaga’t nagpupursigi ang mga batang patuloy na inaabot ang pangarap at
tinatahak ang daan patungo sa tagumpay upang makamit ang edukasyon
Masasabing bago sa bawat bata ang krisis na ating nararanasan ngunit hindi
matutuldukan nito ang maalab na kagustuhang matuto at matamo ang karunungan na
nais nila.Maituturing silang bagong henerasyon na magsisilbing pag-asa ng ating Inang
Bayan. Ang karanasan nila ang magiging tulay sa ikakaunlad ng ating bansa.
Mahirap man sa umpisa ang landas na tinahak ng ating mga mag-aaral subalit hindi
ito naging hadlang patuloy ang paglaban sa buhay.Ito ang nagsilbing pagsubok upang
kanilang malagpasan at maabot ang rurok ng tagumpay. May ngiti sa kanilang mga labi
na masasambit ang mga katagang “Salamat, Ako’y Nagtagumpay”.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *