DepEd Balanga City

Pandemyang Kaalaman Para sa Kinabukasan

Mula nang magsimulang lumaganap ang pandemya o mas kilala itong Corona Virus sa ating mundo marami ang lubos na nagimbal at naapektuhan sa matinding panganib na dulot nito .Isa sa mabilis na aksyon ng pamahalaan ay pinatigil muna ang lahat ng operasyon ng mga kumpanya, paaralan at maging sa lahat ng establesimiento .Mahigpit na ipinagbabawal muna ang paglabas ng mga tao sa kani-kaniyang mga tahanan upang makaiwas sa lumalaganap na sakit at mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar.
Dahil sa malaking suliraning kinakaharap, marami sa ating mga mamamayan ang pansamantalang nahinto sa trabaho at nawalan ng kabuhayan, marami rin ang nagutom, nagkasakit at nangailangan ng tulong pinansyal, pagkain at gamot. Kaya naman ang pamahalaan at iba pang kagawaran ay walang humpay sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan at pagbibigay serbisyong pampubliko sa lahat ng mamamayan.
Isa ang Kagawaran ng Edukasyon ang patuloy na nag-iisip, nagpaplano nang maigi upang ipatupad ang mga alternatibong solusyon o paraan upang maipagpatuloy pa rin ang edukasyon ng mga kabataan. Online teaching, blended learning at distance learning ang lahat ng iyan ay ilan sa mga epektibong alternatibo na paraan ng pag-aaral para sa mga estudyante na isinusulong ng ating kagawaran dahil higit na mahalaga ang maibigay sa mga mag-aaral ang tamang edukasyon na kailangan nila upang magkaroon nang sapat na kaalaman at hindi mapag-iwanan ng panahon.
Ang kaalaman ay isang kalakasan nang isang tao.Sa panahon ng pandemya ang karunungan ay dapat laging isaalaalang Kaya naman walang problema ang hindi kayang lutasin kung ang bawat isa ay nagtutulungan sama -sama upang isulong ang pandemyang kaalaman na dapat maibigay sa bawat isa upang ang magandang edukasyon ay hindi maisantabi,dahil ito ang magsisilbing matibay na sandata ng bawat tao sa pagharap sa hamon ng buhay tungo sa mabuti at mapayapang pamumuhay at maunlad na kinabukasan.

Written by:

<strong>John Carlo Tuazon</strong>
John Carlo Tuazon

Administrative Aide, SDO Balanga City

Date posted: August 20, 2020

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *