DepEd Balanga City

Pangalawang Ina

Ni: Nerissa D. de Jesus, MT -I, Bataan National High School- Junior High School

Buhay eskwela ay di mapapantayan.

Narito lahat ang uri ng tao na makikita mo, may mabait, tahimik, maingay, matalino, mayabang mahinhin, halos lahat na, sabihin mo na.

Bilang guro, kailangang kilalanin ang iyong tuturuan sa unang araw, magtanong nang tungkol sa  kanilang hilig, sa pamilya o tungkol sa buhay. 

Di maaring ikumpara ang isang mag-aaral sa iba, dahil kahit ang tunay mong anak ay may kanya-kanyang pag-uugali. Dahil kung nagkumpara ka sa kanila may magtatampo sa iyo.  Di man magsalita , ay matatanim sa isipan at damdamin  nila , at masasabing may “favoritism” ka.

Bilang isang guro , ay ganun din ang ginagawa natin sa ating mga mag-aaral,  kilalanin ang mga anak sa turing lalo’t ito’y iyong advisory class, makikilala mo sila unti-unti. Ang iba pakitang -gilas, ang iba ilag o umiiwas, nakikiramdam kung sino ka talaga? May nananantiya ng ugali sa iyo bilang guro nila.

Pero kung ano ang pakiramdam ng mag-aaral ay ganoon din ang guro, dapat silang kilalanin dahil sa makakasama mo sila ng sampung buwan(10). Kung may apatnapu(40 )kang mag-aaral sa isang klase, at may anim(6 )na seksyon kang tinuturuan   may dalawangdaan at apatnapu(240 )bata kang kaharap araw-araw at tiyak may matutuklasan kang iba -ibang ugali .Sa loob ng  isang linggo limang (5) araw mo silang makakahalubilo nandoon iyon matuwa’t magalit ka. Pero ok lang iyon dahil sa pangalawang ina ka  nila sa paaralan.

Di maikakaila sa guro, ang kaligayahang hatid ng mga mag-aaral kahit  nagalit ka sa klase  nila kung minsan man o madalas man dahil gumawa nang ingay o gulo sa klase mo , mapaayos mo lang sila o maitumpak sa tamang pag-uugali di ka nila malilimutan.Dahil ang gusto mo lang naman  ay matuto at maiwasto ang ugaling  di -kanais -nais sa kanila.

Ang guro ay di lamang ang asignatura ang itinuturo, bagkus kasama dito ang paghubog ng  kagandahang asal na dapat ugaliin ng isang mag-aaral.

Anumang asignatura ang itinuturo ng guro  kasama sa tungkulin niya  ang hubugin  ang kagandahang asal na dapat taglayin ng isang mag-aaral .

Ito ang napakalaking papel nang isang guro, ang maging pangalawang ina ng bawat mag-aaral sa paaralan,kayang lingapin ang mga batang nawawala sa landas ng buhay,sandigan pag may problema at higit sa lahat maramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga mo bilang pangalawang ina lalo na sa mga batang kulang sa pansin.

Tunay na pagdating nang panahon di ka nila makakalimutan dahil higit pa sa “ tunay na Ina” ang naipadama mo dahil itinuring kang pangalawang ina.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *