DepEd Balanga City

Paskong Pandemya

Ni: Ebner S. Nilay, Teacher I – M. Delos Reyes ES

Ang Pasko ay isang mahalagang okasyon na ipinagdiriwang ng mga Pilipino hindi lamang sa ating bansa kung hindi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo. Isa sa mga masaya at higit na naghihintay  ay ang mga bata dahil  may mga bagong damit  sila  pupunta sa kanilang mga ninong, ninang at sa kanilang mga kamag-anak.

 Paano nga ba ito ipinagdiriwang sa panahon ng pandemya na kung saan buong mundo ang nakaranas ng masamang epekto ng COVID-19?

Kakaiba sa nakagawian na pagdiriwang ng Pasko,noon na may makukulay na pailaw at parol na makikita sa daan at masasarap na pagkaing inihahain sa mesa na sinasabayan pa ng masayang awitin habang kasabay na kumakain ang pamilya.

Sa nakalipas na taon  sa pandemya malayo  sa kinagisnan ng lahat na kung saan hindi maaring magtipon-tipon ang mga pamilya.Ang mga kamag-anak  na nasa malayong lugar ay hind nakadalaw dahil  limitado  ang  paglabas ng tahanan at hindi pa maaaring tumanggap ng bisita..Ang lahat ng ito ay dulot ng pandemya na sumira sa masayang kapaskuhan .

Sa kabila ng mga hamon na kinaharap natin sa nakalipas na  panahon hindi tayo nawalan ng pag-asa na balang araw ay magbalik tayo sa normal.Maipagdiwang din natin ang Pasko sa maayos na paraan upang ang lahat  ay maranasan ang diwa ng kapaskuhan.

Sa taon ito na papalapit na ang kapaskuhan kahit nasa pandemya pa rin tayo nawa’y ang espiritu ng pagmamahalan at pagbibigayan ay maramdaman lalo na   sa pagdating ng ating Manunubos. Ang paskong pandemyang  ito nawa’y lubos na magdulot nang   makulay at makabuluhan  sa bawat isa.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *