DepEd Balanga City

Pastol Nga Ba?

“Ang Panginoon ang aking Pastol di ako magkukulang,ako ay kanyang pinapagpahinga sa mainam na pastulan”Isang awitin pang simbahan pag naririnig mo  maaalala mo ang iyong propesyon bilang guro.Bawal magpahinga sa guro sa halip kailangan mong magpastol ng mga bata na umaasa sa karunungan na iyong ibibigay.

Kailan nagiging Pastol ang guro?Maraming pagkakataon lalo na sa mga batang kapos.Gustong mag-aral ngunit kailangan nilang tumulong sa pamilya upang mabuhay.Kapag ganito ang sinaryo lalabas kang pastol sa mag-aaral.Isasalba mo kakausapin ang magulang.Bibigyan ng alternatibong pamamaraan upang hindi huminto sa pag-aaral.Gugulin mo ang iyon oras upang hindi mahinto sa pag-aaral lalo na kung alam mong matalino at matiyaga sa pag-aaral.

Ang Pastol ay may kawan na pinapastol iyan ang papel ng guro.Ang magpastol ng batang naliligaw ng landas,at pawala na sa klase .Ikaw na guro ang gagawa ng paraan maisalba mo lang sila.Nadudurog ang puso mo kung makikita mo  na malungkot may problema ang mag-aaral mo.Dahil ikaw ang pangalawang ina buong husay mong gagawin ang tungkulin mo bilang guro.Tutulungan sa abot ng makakaya ang batang nawawalan na ng pag-asa sa buhay.Lahat ay gagawin para maging mahusay na Pastol sa mga mag-aaral na mapabuti ang landas.

Sinulat ni:

<strong>SANDEE C. OLUBIA</strong>
SANDEE C. OLUBIA

Teacher III
Bataan National High School – Junior High School

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *