DepEd Balanga City

SANDATA NG MGA GURO

Ni: Gng. Sharon L. Dela Cruz, Teacher III, Bataan National High School-Junior High School

Nakakagulat ang mga nangyari. Sa isang iglap lang marami ang naapektuhan ng pandemya. Maraming tao ang natakot dahil hindi biro ang pandemyang kumakalat sa buong mundo. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at ng mga mahal sa buhay subalit di nagpatinag ang Kagawaran ng Edukasyon. Ang mga pamunuan at mga guro ay gumawa ng paraan upang abutin ang maraming kabataan sa abot ng kanilang makakaya.

           Ipinamalas at ibinahagi ng mga guro ang kanilang husay sa pagbuo ng mga kagamitang panturo sa bagong normal na edukasyon. Hindi matutumbasan ang kanilang hirap, pagod at pagtityaga sa pagbuo ng mga modyul. Akala ng iba pasarap lang sa bahay ang mga guro.Hindi nila alam ang pagsasakripisyo ng mga guro maabot lang ang kanilang mga mag-aaral. Inaabot ng madaling araw sa paggawa ng mga activity sheet. Nakatutok sa mga kabi-kabilang webinar upang mapalago pa ang kanilang kahusayan sa 

pagtuturo nang ibat ibang pamamaraan sa bagong normal.

           Kahit gaano kahirap ang ating sitwasyon, ang mga guro ay handang maglaan ng oras at panahon para sa edukasyon. Walang makakahadlang sa pag-abot ng karunungan ng maraming mag-aaral. Pananalig sa Maykapal at pagmamahal ang sandata ng mga guro. Maging positibo sa lahat ng bagay upang gumaan ang nararanasang sitwasyon.Ang determinasyon at dedikasyon sa edukasyon ay sandata ng mga guro para maging matagumpay ang paraan ng pagtuturo sa kasalukuyang panahon.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *