DepEd Balanga City

TEKNOLOHIYA NOON AT NGAYON

Isinulat ni: Dennielyn S. Izon, Registrar I – Bataan National High School-Senior High School

Sadyang napapanahon na ang pag-usbong ng iba’t-ibang teknolohiya. Mga kagamitan na ginagamit ng karamihan sa araw-araw na pamumuhay maging sa pag-aaral. Hindi na bago sa atin na makakita ng mga modernong paraan ng paggawa dahil sa mga makabagong instrumento na kasalukuyang tinatangkilik ng publiko. Ngunit sa patuloy na pagsikat ng mga ito, may mga bagay at kaugalian na hindi na natin nabibigyang pansin at pawang unti-unti ng nababaon sa limot. 

Naging parte na ng araw-araw nating gawain ang paggamit ng mobile phones, computers, internet and iba pa. Maging sa pag-aaral, isa na ito sa pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral. Mula sa paggawa ng mga takdang-aralin, paggawa ng mga proyekto, maging sa paghahanda at pagsasaliksik sa mga leksyon, ang mga teknolohiyang ito ang ating hinahanap. Para sa atin, malaki ang naitutulong ng mga makabagong instrumento upang mas mapadali ang ating mga gawain. Hindi na natin kailangang maglaan ng mahabang oras sa paghahanap sa bawat pahina ng libro upang matuklasan ang mga kasagutan sa ating mga aralin. Gamit ang internet, mas mabilis nating nakukuha ang mga impormasyon na kailangan natin. Tipid sa oras at pagod, ito ang kadalasang dahilan kung bakit patuloy tayo sa pagtangkilik sa bagay na ito.

Subalit, habang patuloy na umuunlad at nagbabago ang henerasyon, patuloy na rin bang nalilimutan ang dating istilo ng pag-aaral? Paggamit ng libro, pagpunta sa mga librarya, pagsasaliksik gamit ang ibat-ibang uri ng babasahin. Karamihan sa atin ay mas pinipili na ang mas mabilis at mas bagong istilo ng pag-aaral ngunit lingid sa ating kaalaman na hindi sa lahat ng panahon ay makabubuti ito para sa atin. Magiging malaking tulong para sa susunod na heneresyon na patuloy silang maimulat sa importansya ng paggamit ng mga libro. Mas maiiwasan para sa mga kabataan ang mawala sa konsentrasyon dahil sa ibat-ibat websites na lumalabas sa tuwing gumagamit sila ng internet. Maiiwasan natin na mamulat sila sa masasamang gawain na maaaring magresulta sa pagkasira ng kanilang kinabukasan. Sa paggamit ng libro at pagpunta sa mga librarya, matututo ang mga bata kung paano magsikap at mag-aral ng hindi naka-depende sa ibang teknolohiya. Matututunan nilang magsaliksalik at maghanap ng impormasyon gamit ang kanilang sariling kakayahan. Sa ganitong paraan, mas magiging responsable ang mga kabataan at malaki ang magiging epekto nito sa pagtuklas nila sa kanilang abilidad na makatutulong sa kanilang pag-aaral.

Makaluma mano makabagong gawi ng pag-aaral, hindi ito magiging malaking hadlang upang makamit ng isang indibidwal ang kanyang mga pangarap. Walang masama sa paggamit ng mga makamundong teknolohiya kung sa mabuti at magandang paraan natin ito gagamitn. Ang pag-abot sa ating mga pangarap ay hindi naka-depende sa ibang bagay, sa halip, ito ay kung paano tayo magtitiyaga at magiging isang responsableng mamamayaman.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *