DepEd Balanga City

Diploma ng Tagumpay

ni: Jenilla Mae O. Rodrigo, BNHS-SHS

Ang pagtatapos ay isa sa mga pinakahihintay ng lahat. Hindi matatawaran ang mga ngiti at galak sa mukha ng bawat isang mag-aaral na magsisipagtapos, sa wakas dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay. Ang makatungtong sa pinaka magandang entablado sa araw ng pagtatapos.

Makalipas ang dalawang tao na pagkakakulong natin sa bagong normal ng edukasyon dulot ng pandemya ay dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat ng mga mag-aaral, guro at  higit sa lahat mga magulang. Ang mga araw na walang tulog, walang kain at halos panghinaan na ng loob sa pagsagot ng mga modyul ay masusuklian na nang hindi matatawarang galak. Sapagkat matatanggap na ng mga magsisipagtapos ang diploma ng tagumpay na kanilang pinagpaguran. Saludo ang lahat ng guro sa mga mag-aaral na patuloy na lumalaban sa kabila ng hamon sa buhay. Tunay nga na ang tamis ng tagumpay ang pinaka magandang regalo na matatanggap mula sa Poong-Maykapal.

Ang parangal sa mga magsisipag tapos ay natatanging parangal din para sa mga magulang na nagsakripisyo upang itaguyod ang mga binubuong pangarap ng kanilang mga anak. Ang diploma ng tagumpay na matatanggap nang bawat mag-aaral ay nagsisilbing liwanag sa mga magulang na gabayan ang mga mag-aaral sa pag-abot pa sa kanilang mga pangarap.

Ang pagtatapos ay isang bagong simula sa landas na kanilang tatahakin.Ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa antas ng sekondarya ay baon nila sa bagong yugto ng pag-aaral na kanilang tatahakin sa mataas na edukasyon.Ang mga sakripisyo at dedikasyon ang daan sa pagkamit ng pangarap.Ang dumaan na pandemya ang magsisilbing paalala na dumating man ang unos ay patuloy na lalaban para sa pangarap.Ito ang diploma ng tagumpay , ng bawat isang mag-aaral at  ng  mga magulang.

Leave a Comment

Your email address will not be published.