Isinulat ni: Ma. Crizon Y. Crisenes, Administrative Officer II, SDO Balanga City
Sinubok ang bawat aspeto ng ating pamumuhay nang pumasok ang pandemyang dulot ng COVID 19 hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo na tumagal nang humigit kumulang dalawang taon.
Hindi maikakaila ang edukasyon ay isa sa naapektuhan nito. May mga maganda at hindi magandang epekto ang naranasan ng mga guro,mag-aaral , kawani at magulang na dulot ng pandemya.
Isa sa naging magandang epekto nito ay ang pagtuklas na posible palang matuto ang mga mag-aaral kahit hindi sila magpunta sa paaralan ito ang tinatawag na “distance learning”. Patuloy ang pag-aaral kahit na hindi personal na pumapasok sa silid-aralan ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng teknolohiya gamit ang iba’t ibang apps tulad ng zoom, google classroom, google meet at marami pang iba, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay naging madali upang ang edukasyon ay makamit at magkaroon ng kaalaman ang mga bata. Sa paggabay ng mga guro ,gardyan at mga magulang ang pag-unawa at pagsagot sa mga modyul ay naging sandata ng mga mag-aaral upang matutunan ang aralin na nakalaan para sa kanila. Sabi nga ,”paaralan lang ang nagsara ,hindi ang edukasyon”
Sa pagtutulungan ng ating Lokal na Pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon, hindi napabayaan ang ating mag-aaral upang tulungan sila lalo na ang mga walang magamit na gadgets. Nagpamigay ng mga kagamitan katulad ng mga laptop ,mga tablet at OTG Flashdrive para sa mga mag-aaral sa ganitong paraan maitatawid ang edukasyon ,tuloy-tuloy lang ito sa kabila ng hirap na naranasan sa pandemya.
Ang edukasyon ay hindi isang pribilehiyo, kundi karapatan ng isang bata na makapag-aral nang maayos.Maging isang mahusay na mag-aaral na may disiplina at maging mabuting mamamayan dahil siya’y nakapag-aral nang maayos kahit may pangamba o panganib ang pandemya.