Isinulat ni: Medina R. Failagao, Teacher III – BNHS JHS
Buong mundo ay nagulantang dahil sa mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19. Walang kinilalang bansa, mayaman man o mahirap . Nagsara ang halos lahat ng negosyo pati mga daungan at paliparan. Ang pagpasok sa mga opisina ay nilimitahan samantalang hindi rin pinahintulutan ang pagbubukas ng mga paaralan mula kolehiyo hanggang elementarya bilang pag-iingat sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Teknolohiya ang naging daan upang magpatuloy ang trabaho at pag-aaral sa gitna ng pandemya. Dahil walang face-to-face na pag-aaral ,nagpatuloy ang edukasyon sa pamamagitan ng module at online distance learning. Ginamit din ng Kagawaran ng Edukasyon ang telebisyon at radio base instruction bilang isa sa paraan sa pag-aaral upang maihatid ang kaalaman sa mga mag-aaral
Sa mga mag-aaral na may mga gadgets tulad ng cellphone, laptop o computer at may wifi o internet sa bahay at pinili ang online na pag-aaral kahit sa virtual na paraan natuturuan ng mga guro ang mga mag-aaral upang maipaliwanag ang mga araling dapat nilang matutunan.Ang printed na materyal ay binibigay ng paaaralan na libre upang sagutan sa bahay at ibabalik sa araw na itinakda.Ang mga guro ay handang tumugon sa tawag ng magulang o ng mag-aaral kung hindi maintindihan ang aralin sa module na ibinigay.
Sa kabila nang mapang hamon na kalagayan ng edukasyon sa new normal hindi ito dapat maging dahilan upang mahinto ang edukasyon.Lahat ng paraan ay ginagawa ng Kagawaran ng Edukasyon upang maibigay sa bawat mag-aaral ang karunungan na dapat ibahagi ng mga guro Bagama’t mapanghamon at hindi madali para sa guro,mag-aaral at magulang ang ganitong sitwasyon.Kayang -kaya natin itong mapagtagumpayan dahil naranasan na noon pang isang taon.Sa taong ito mapang hamon pa rin subalit makakapag -adjust na ang bawat isa dahil naniniwala tayo kung sama-sama , tulong-tulong ang tagumpay sa hamon ng edukasyon ay makakamit!