DepEd Balanga City

Integrated School: Daan sa Pagbubukas ng mga Makabagong Isipan

ni: Ebner S. Nilay, Teacher 1 – M.Delos Reyes ES

Bawat bata may tanong. Ba’t ganto? Ba’t ganon? Hayaang buksan ang isipan… Kinabukasan ng ating bayan siguradong makakamtan. Isa ito sa mga tumatak na linya ng awitin mula sa isang educational TV program na Sineskwela na nagbigay inspirasyon sa mga kabataan hinggil sa pag-aaral noong dekada nobenta. Gayundin, isa pa rin itong makabuluhang awitin para sa makabagong henerasyon ng mga kabataan na higit na matanong, mausisa at may mataas na lebel ng kuryosidad.

Gayunpaman sa kasalukuyan, isang malaking hamon para sa mga paaralan sa bansa ang mabigyan ng dekalidad na edukasyon at mapunan ang mga sagot. Ang mga umaapaw na katanungan ng may tinatayang 26.3 milyong ika-21 siglong mag-aaral ng Pilipinas.

Isa ang Dibisyon ng Balanga City ang may adhikaing maabot ang lahat ng mga mag-aaral sa komunidad, isang mahusay na inisyatibo ang pagkakaroon ng mga “integrated school” sa mga piling lugar na malayo sa mga paaralang pang sekundarya.

Ito ay napapanahon sapagkat nakatutulong ito upang maipagpatuloy ang layunin ng inclusive education program na makapag-aral ang lahat ng mga mag-aaral na nasa tamang edad at batay rin sa Artikulo XIV, Seksyon 1 ng 1897 Konsititusyon ng Pilipinas na nagsasaad na “dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon.”

Sa tulong ng mga “integrated school” hindi na kailangang pumunta pa sa bayan at sa malalayong paaralan ang mga mag-aaral na nais matuto ng mga karagdagang kaalaman sapagkat inilapit na ang paaralan sa kanila. Malaking kaginhawaaan ito sa mga magulang na nahihirapang magpaaral mababawasan ang kanilang gastos para sa pamasahe ng mga anak  at magagamit sa iba pang pangangailangan ang dapat na magugol sa pamasahe.. Dagdag pa dito, malaking tulong din ito upang mabawasan ang malaking bilang ng mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Matutukan na nang husto sa pag-aaral ang mga bata ng mga guro.

Ang “integrated school” sa komunidad ang  kinabukasan ng ating bayan upang ang lahat ng bata ay makapag-aral wala ng dahilan  ang magulang na di nila kaya ang gastusin lalo sa pamasahe upang marating ang   paaralan.Ito na ang kasagutan para sa “No child behind”

Leave a Comment

Your email address will not be published.