Ni: Nerissa D. De Jesus, MT-I, Bataan National High School-Junior High School
Lahat ay may pangarap , maging doctor, abogado, inhenyero, nars, guro at kasalukuyang dumarami pa ang ibatibang propesyon.
Kung naging permanente ka sa pagtatrabaho bilang isang guro lalo kung napasok ka agad sa isang paaralan , may makikilala ka na mga kasama at ito ang iyong kaguro o “co-teacher” Sila ang iyong makakasama sa pagtuturo sa elementarya o sekondarya.
Bigyan natin ng malalim na kahulugan ang KAGURO, bukod na kasama sa trabaho bilang isang guro,maituturing mo itong kaibigan, hindi dahil kayo’y nagtutulungan sa mga gawain sa paaralan, sa malalim na salita upang magkaisa sa mga layunin sa buhay, magkasama upang mapaunlad ang sarili , di lamang sa propesyon.
Kasama rito ang paniniwalang magagampanan ang pagbabago nang panahon sa pagtutulungan kung nahihirapan sa mga makabagong teknolohiya lalo sa panahong ito.Nandiyan ang tulungan sa bawat isa.
Kaguro ang turing dahil para mo na ring kapatid,kapamilya,kapuso dahil iisa ang adhikain ninyo ang magtulungan sa isa’tisa .
Masarap sabihin kaguro dahil proud ka na kasamahan mo sa trabaho.Saan man kayo magkita kaguro mo siya!Masaya man o malungkot ang kuwento o pinagdaanan nandyan pa rin ang mga kasamahan.Kahit retired na tinuturing mo pa rin kaguro dahil sa lalim ng inyong pinagsamahan noon sila ay nasa serbisyo pa.
Bilang kanilang kaguro, sinisiguro ko na di lang ako ang nakikinabang sa tulong na binibigay ng bawat isa.Lahat ay may kanya- kanyang parte upang maipakita ang dedikasyon sa trabaho, maipakitang nariyan ang mga kaguro anumang problemang kinahaharap sa trabaho at pamilya.
Masarap magtrabaho kung may nagmamahal sa iyo sa lugar na pinagtatrabahuhan walang iba kundi ang inang paaralan, kasama ang iyong mga kaguro.