DepEd Balanga City

Liwanag

Ni: Jenilla Mae O. Rodrigo, T-lll, BNHS-SHS

Ang bilis ng panahon parang kailan lamang ay nakikipaghabulan tayo sa oras upang pumasok sa paaralan na ating pinagtatrabahuhan.Sariwa pa rin sa ating isipan ang mga ngiti ng  mga mag-aaral na s’yang sasalubong sa pagpasok sa silid- aralan at buong maghapon  sa loob ng paaralan ay masayang natatapos ang pagbabahagi ng  kaalaman sa mga ito.Napakasarap isipin na nagkikita-kita ang lahat masayang magbabahagi ng karanasan sa bawat araw na lumilipas.Dalawang taon na pala ang lumipas  sa isang iglap tila ba may mga pader na nakaharang sa bagay na dati’y malayang nagagawa ng lahat. Nabalot ng takot at sa isang iglap ay tila naging isang abandonadong lugar ang buong paligid.

Nagsara ang lahat ng establisyimento at marami ang natigil sa trabaho.Marami ang nagutom at nawalan ng pag-asa.Mapalad pa rin  ang mga guro hindi sila  kabilang  sa mga manggagawa na hindi nawalan at natigil sa trabaho,paaralan lang naman ang nagsara,.Kahit walang mag-aaral na pumapasok  tuloy ang edukasyon gamit ang iba’t ibang modality.

Nakalulungkot man at maraming nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya May kirot sa  puso kapag nakakakita tayong mga kababayan na naghihikahos sa buhay at namatay dahil sa pandemic.Sa kabila nito umaasa na may liwanag na darating at bukas na aasahan..

Sa kabila ng kahirapang naranasan  maraming nagdamayan at nagtulungan.Maraming mapapait na kuwento ang nangyayari sa bawat isa ngunit ang kuwentong ito ang nagbibigay ng pag-asa upang bumangon at sama-samang harapin ang dagok na naranasan sa kasalukuyang panahon. Ang virus ay nasa paligid lamang ngunit kinakailangang bumangon ang bawat isa. Ang liwanag ay unti-unti nang makikita ng bawat tao at higit sa lahat ang mga mag-aaral na naghihintay upang hubugin at pandayin ng mga guro.Liwanag na matatanaw ang pag-asa!!!

Leave a Comment

Your email address will not be published.