DepEd Balanga City

Pagtatapos 2022: Face-to-Face, Virtual, Hybrid

Lisa G. Austria, P-III

Ang pagtatapos ng pag-aaral sa kahit anomang yugto ng buhay, elementarya, sekondarya, o kolehiyo ay lubos na pinaghahandaan at kinasasabikan ng mga mag-aaral at mga magulang.

            Sa panahon na ang buong mundo ay dumanas ng pandemya, tumigil, huminto ng panandalian ang mga gawain. Malaki ang naging epekto nito sa pamumuhay ng lahat. Ang pinakalamalaking epekto na dulot ng pandemya para sa mga mag-aaral ay ang malawakang pagsasara ng mga paaralan ngunit hindi ang edukasyon na patuloy na pagbibigay ng karunungan sa mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay naipagpatuloy sa pamamagitan ng mga “remote distance learning modalities”.

            Sa pangalawang taon ng pandemya, unti-unti napagtagumpayan na ng buong mundo ang mga paraan upang makabangon sa pamamagitan ng mga patuloy na pag-iingat at sa huli ang pagkakaroon ng mga bakuna laban dito ng mga mag-aaral upang sila ay makapasok na sa limited face to face.

            Ngayon nalalapit na ang pagtatapos ng taon panuruan , positibo ang mga magulang at mga mag-aaral na mas magiging masigla ang nalalapit na pagtatapos nila sa taong ito.  

            Ang pinakabagong moda ng pagtatapos ay ang tinatawag na “hybrid graduation” na kung saan ito ay ang kombinasyon ng “face-to-face” at “virtual” na sistema sa okasyong gaganapin. Ito ang magiging batayan upang ang pagtatapos ng taon ay magkaroon ng kakaibang pagdiriwang ,ayon sa nais piliin ng mga magulang para sa mga anak.

             Ang “Alert Level 1” ang siyang batayan upang payagan ang mga paaralan at ang mga mag-aaral  na bakunado na payagan  ang pagkakaroon ng “face-to-face na graduation” kung saan ito ang gusto ng karamihan. 

Kahit anong sistema pa ng pagtatapos ang gagamitin; pagbati at tagumpay ang nais ipahatid ng Departamento ng Edukasyon para sa lahat ng magsisipagtapos sa taong ito.

Leave a Comment

Your email address will not be published.