DepEd Balanga City

Pilipinas

ni: Jenilla Mae O. Rodrigo, BNHS-SHS

Ang bansang Pilipinas ay kilala sa yamang lupa at yamang dagat na makikita rito.Kilala rin  ang Pilipinas dahil sa magandang tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino. Hinahangaan din ang mga Pilipino sa kakaibang galing at talento nito.Ang paglalarawang ito sa ating bansa at ang pagiging  isang Pilipino ay maipagmamalaki mo!Masarap  sa pakiramdam at  naka mamanghang ikaw ay isang Pilipino.Likas sa atin ang pagiging mapagmahal sa kapwa .

Sa nakalipas na panahon may ibat’t ibang anyo ang Pilipinas .Mayroong nabago at mayroon din namang hindi nabago..Kabilang na rito ang kahirapan na pinatindi noong dumating ang pandemya, marami ang nagutom, nagkasakit, nahirapan at higit sa lahat ay namatay .Likas sa isang Pilipino ang bayanihan dahil ang lahat ng ating naranasan ay naisalba nang maayos dahil sa kaugalian ito.

Anim na taon na ang nakalipas at ngayon may bagong mukha ang Pilipinas.Hangad ang pagbabago at pagkakaisa upang makamit ang kaunlaran ng bansang Pilipinas.Tunay na mararamdaman ang pag-unlad dala ng mga bagong administrasyon .Ang bansang Pilipinas na tinawag na “Maharlika”dahil mayaman sa likas na yaman at higit sa lahat nagkakaisa sa isang adhikain ..Isang bansa,isang diwa na ipinagmamalaki ang bansang   Pilipinas.

Leave a Comment

Your email address will not be published.