DepEd Balanga City

 Pinalawak na Promosyon sa mga Guro

Lisa G. Austria, P-III

Para kanino ka bumabangon?

            Para saan ang paghahanap-buhay mo?

            Mga simpleng tanong pero nanghihingi ng malalim na paglilimi.

            Sa kasalukuyang takbo ng panahon, maraming mga guro ang dumaraing na kulang na kulang ang kanilang mga sinasahod o ang naiuuwing sahod sa kanilang pamilya. Alam ng karamihan na tipikal sa mga guro ang maliit na sahod na tinatanggap dahil sa dami ng kaltas  na  napupunta sa mga iba’t ibang kontribusyon at buwis . Kaya’t karamihan sa kanilang mga pamilya ay hirap makaraos sa lahat ng mga gastusin sa pang-araw araw na pamumuhay.

            Ang karagdagang benipisyong matatanggap ng mga guro ay isang paraan upang maitaas ang kasalukuyang kalagayan nila.Tulad ng pagtaas ng posisyon  upang sa pamamagitan nito ay umangat ang kinalalagyan ng bawat isang guro na itinuturing na bayani sa panahong ito.

            Sa pamamagitan ng “Executive Order (EO): #174 s. 2022”, na nilagdaan ng Pangulo ng Pilipinas ang mga guro ay maaari ng magkaroon ng kategoryang aytem mula “Teacher I-VII”, samantalang ang mga Master Teacher” na   posisyon ay magkaroon ng “MT I-V” aytem.

            Ang EO#174 s. 2022 na  napirmahan na at inaprubahan noong Hunyo 23, 2022 ay inaasahan na pagkatapos ng siyamnapong (90) araw. Ang mga regulasyon at patakaran (IIR) para sa implementasyon nito ay ipapatupad ayon  sa “Expanded Career Progression System” para sa mga gurong nagtuturo sa  mga pampublikong paaralan.

            Ang isinusulong na posisyong ito sa mga guro ay tunay na malaking pag-angat sa mga guro hindi lang sa pagtaas ng suweldo nila kundi sa kalagayan nila bilang guro sa lipunan at higit sa lahat ito ang magiging inspirasyon sa bawat guro upang  lalo maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Leave a Comment

Your email address will not be published.