DepEd Balanga City

“PWEDE NA, ALPAS NA”

Isinulat ni: Marjea C. Santillan/SDO Balanga City

Sa panimula ay hinubog ka ng mga karanasang nagpatibay ng iyong pagkatao.

Dumaan ka sa napakaraming pagsubok ngunit nanatili kang matatag. Kung may ilang beses kang umiyak sa sakit ng mga pangyayari ay marahil hindi mo na mabilang sa daliri ng iyong mga kamay.

Matagal kang kinulong ng takot at pangamba dahil sa kakulangan mo na mahalin ang iyong sarili. Sa mahabang panahon ay tila naging normal sayo ang masaktan.

Madalas kang mapagod at huminto pero kailanman ikaw ay hindi sumuko. Itinuloy mo ang laban na sugatan kahit na ikaw ay mahina sapagkat batid mo sa iyong sarili na kamatayan lamang ang katapusan ng lahat.

Hindi ka mahina. Hindi ka nagkulang at hindi ka basta basta lamang.

Isa kang mabuting anak at tapat na kaibigan.

Ang iyong lakas at pagmamahal sa iyong pamilya at kaibigan ay tunay na kahanga hanga at walang kapantay.

Kaya naman..

Oo, pwede na. Maaari mo na muna piliin ang iyong sarili, katulad ng isang ibon na malayang sumasabay sa hangin.

Oo, pwede na, Maaari ka na lumipad at kalimutan ang mga pasakit at sumayaw sa himpapawid ng kasiyahan.

Oo, pwede na. Maari ka na ulit maging masaya.

Batid mong tulad ng isang ibon, sa pagsapit ng dapit hapon, babalik ka ulit sa lugar kung saan ikaw ay makakapag pahinga. Lugar na kung saan ka mas magiging komportable at higit na masaya.

Sapagkat tulad ng isang ibon, ikaw ay malayang ibuka ang iyong matitikas at magagandang pakpak. Lumipad kung saan mo man naisin, lugar na kung saan ay walang pangamba at kalungkutan.

Pwede na,

Maaari ka na maging masaya..

ALPAS na…

Leave a Comment

Your email address will not be published.