DepEd Balanga City

Sariling Kakayahan

Ni: Camille T. Camacho, Administrative Assistant III

Ano na nga ba ang sariling kakayahan?Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa Diyos.Ito ay dapat gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay ito ng sariling pagkakakilanlan.


Ang sariling kakayahan ay dapat natin isabuhay bilang isang mamamayan at kawani.Ayon sa Banal na Kasulatan nilikha tayo ng Diyos na magkakawangis ngunit magkakaiba ng talento,pag-iisip at talino.Ang mahalaga hangga’t buhay at malakas gamitin ang sariling kakayahan sa maayos na pamamaraan. Walang sinasagasaan na tao dahil may kanya-kanya tayong abilidad na dapat gamitin upang paunlarin ang pagkatao at sarili.


Masarap isipin na ang sariling kakayahan mo ang magpapakilala kung sino ka bilang tao. Ito ang magsasabi sa iba na mahusay ka ,dahil kakaiba ang iyong ginawa . Tulad ng pagtulong sa kapwa ng walang kapalit.May puwang ang puso sa nangangailangan.Naglalaan ng oras sa mga taong nais ang serbisyo mo dahil kakaiba ang iyong kakayahan.Maaaring naging ehemplo kayo sa inyong bayan dahil ang pamilya ninyo ay isang huwaran na nagpapakita ng pagmamahalan at pagmamalasakitan.


Ang lubos na pagtitiwala sa saril ang siyang lubos na kailangan upang ang natatanging kakayahan ang siyang magiging sandata ng isang tao upang lalong makilala at magdadala sa rurok ng tagumpay.

1 thought on “Sariling Kakayahan”

  1. Link exchange is nothing else however it is simply placing the other person’s web site link on your page at suitable place and other person will also do same in favor of you.|

Leave a Comment

Your email address will not be published.