DepEd Balanga City

Tama Dapat : Dapat Tama

Ni: Jenilla Mae O. Rodrigo, T-lll, BNHS-SHS

Marites: Ang makabagong mukha ng isang balita na di-totoo Tulad lang nito ang pagkalat ng isang virus na maraming nahawa at nagkaroon ng malaking epekto sa kalusugan sa tao dahil sa mga maling impormasyon. Hindi nakatutulong ng malaki ang ganitong gawain.Bagkus ito ay nakasisira ng dignidad ng isang tao na lumalason sa isipan ng bawat taong makatatanggap sa mga maling impormasyon.

Sa loob ng paaralan itinuturo ang pagsasabi ng totoo katulad na lang ng pagsagot ng may katapatan sa mga modules na nasa modular modality. Ang “Academic honesty” ay pinapatupad upang hubugin ang  mga mag-aaral na maging tapat sa pagsagot ng modules.

Sa paaralan ay itinuro rin sa mga mag-aaral ang paggamit ng teknolohiya upang lalong lumalim ang kaalaman ng mag-aaral sa larangan ng makabagong panahon. Ngunit hindi itinuro sa paaralan at ng mga guro ang pagkakalat ng mga maling impormasyon gamit ang social media. Marami na ang nabiktima ng mga ganitong gawain ngunit patuloy na lumalaganap at lalo pang dumarami ang mga taong gumagawa ng ganito.

Ang panahon ngayon ay puno ng takot at pangamba ang dulot ng pandemya kaya dapat na gumawa ng tama  huwag maging pasakit sa iba. Tanging mga lehitimong impormasyon lamang dapat na paniwalaan at pagkatiwalaan.

Bilang isang guro ay handa tayo  na ipaunawa ang tamang pagsasabi ng tapat.Ang ganitong kaugalian ang maaring mag-ahon sa kahirapan ng bansa, ang gawin ang tama! Sapagkat ito ang dapat!

Leave a Comment

Your email address will not be published.