DepEd Balanga City

Tamis ng Tagumpay

ni: Jenilla Mae O. Rodrigo, T-Ill, BNHS-SHS

Isa ang Bataan National High School-SHS sa mga tinitingalang paaralan sa Bataan, dahil sa talino, sipag at husay ng mga guro at administrasyon sa paaralan na ito.Bawat mag-aaral na nagsisipag tapos sa paaralan na ito ay kalidad ang mga kalaman na kanilang baon patungo sa panibagong yugto ng kanilang pag lalakbay bilang isang mag-aaral.At muli nanaman ngang napatunayan ang husay at galing ng guro sa Bataan Bational High School-SHS.Sa katatapos lamang na DepEd ICTS EdTech Awards and DepEd TV Awards  night na ginanap sa Baguio City noong ika-24 ng Hunyo ay naparangalan ang isa sa mga pinaka mahusay na guro sa nasabing paaralan na si G.Mario M  Laganao Jr.Sa nasabing pagkilala ay hindi lamang isa kundi tatlo ang parangal na natanggap ni G. Laganao na bunga ng kaniyang natatanging husay at galing.

Una niyang natanggap ang Best in Animator award na sinundan naman ng Best Grapic Design at ang huli ay ang  Deped TV Awards.Ito ay ang bunga ng kaniyang walang sawang pagbibigay serbisyo para sa bata at para sa bayan.Kinilala ang husay at galing ni G.Laganao bilang isa sa likod ng matagumpay na DepEd TV Production Region 3 Team, nagsimula bilang isang animator sa Arts 5 at makalipas ang mahigit dalawang taon ay  nagbukas naman ang pagkakataon na maging head of the post production ng English 5.At dito na nga lalong napaghusay at nahasa ang kanyang galing  na kung saan ay nangibabaw ang kaniyang natatanging talento.

Ang tagumpay na kaniyang natanggap ay tagumpay ng buong Bataan National High School-SHS at ng buong Dibisyon ng Balanga.Naipakita nya ang natatanging talento at tyaga na makapagbibigay ng inspirasyon sa iba pang guro na maglingkod ng buong puso at buong husay sa kabila ng mga pagsubok.Ito ay magsisilbing isang inspirasyon sa bawat guro na nangangarap din na mabigyan ng natatanging parangal na tulad nito.

Leave a Comment

Your email address will not be published.