Taon-taon laging sinasabi na ang tunay na sukatan ng kagalingan ay kung paano mo mapapaunlad ang kaalaman ng iba. Kung paano mo ibabahagi ang iyong galing para sa mga mag-aaral na nangangarap.
Saksi ang bawat umaga kung paano harapin ang sarili para sa paghahasik ng kaalaman sa mga mag-aaral na iyong kinakaharap.May mga iba’t-ibang dahilan ang mga mag-aaral pag sila’y kinausap mo.Mahahalintulad mo sila sa mga iba ibang lasa ng kape na iba ang mga timpla at gustong lasa.Subalit sa kabila nito pilit mo silang inaabot upang sila’y di maligaw nang landas at magkaroon ng direksiyon sa buhay.
Limang araw sa loob ng isang linggo hinuhulma ang bawat pangarap nang bawat isang mag-aaral.Sa loob ng apat na sulok na lagayan ng mga binhi na maaaring umusbong bilang pagbabago sa mundo. Naroon ang pisara na pilit itinatatak ang kaalaman sa lipunan, mga silya na sinusukuan ng pagtitiwala, mga libro na basehan ng ilang mga maling kaalaman .Bilang guro higit pa sa mga aklat ang naibibigay namin sa kanila.Wala man kaming pangalan sa mga libro nakaukit naman sa mga mag-aaral ang gintong butil na naibahagi namin sa kanila upang maging ganap ang pagkatao .
Bilang mga pangalawang ina at ama sa paaralan kaming mga guro ang magbabago ng kanilang kasaysayan.Kasaysayan na tatahak sa buhay ng mga kabataan upang mabago ang timpla ng kanilang kinabukasan para maging ganap ang kanilang pagkatao.
Sinulat ni: